Linggo, Pebrero 26, 2017

PAMAHALAAN, KAY BAGAL MONG KUMILOS!





Dati rati pa'y matagal ko nang namalayan na hindi pa umunlad ang ating bayan hanggang sa kasalukuyan. Kay rami ng araw, buwan, at taon nang sinasabi at pumapangako ang mga matataas na tao o opisyales sa pamahalaan na gagamutin at babaguhin raw nila ang munting bansang ating tinitirhan. Pero bakit hanggang ngayon ay ang pagbabagong sinasabi at pinapangako nila ay hindi pa  natin nakamit. Bakit sa kay rami na ng taon ang lumipas ay di parin umunlad ang ating bansa?


Sa isang kabanata ng El Filibusterismo sinasabi na ang pamahalaan daw ng bansang Pilipinas ay mahina ang pagtakbo at maraming balakid sa landas na ang ibig sabihi’y mahina ang pag-unlad at marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa.
Kung tutuusin ay napakakonkreto ng pahayag na sinsabi ng kabanatang ito. Napakahina talaga ng takbo ng ating pamahalaan, maraming mga pangakong di  naitupad, may mga bagay na sanay ipapatupad pero di naitupad, at malaki pa ang kailangang gawin ng bansa upang umunlad.


May mga paraan naman talaga upang umunlad ang isang bansa pero sa bansang ito napakahirap maging maunlad. Bakit? Dahil mismo ang mga tao sa bansa ay hindi nagsumikap umahon at walang pakialam sa takbo ng sarili nilang bansa.  May ibang tao din na walang ginawa upang matugunan ang mga kailangan upang maging maunlad ang bansa dahil sa kahirapan. At ang nangunguna sa rason kung bakit di umanlad ang bansa ay dahil sa mga taong nasa loob ng pamahalaan.


Sa loob ng pamahalaan, di  natin alam kung ano-ano ang mga ginagawa ng mga tao. May ibang mga tao sa loob ng pamahalaan na gumagawa talaga ng kanilang trabaho at serbisyo para sa bansa, at may iba rin na nangungurakot at ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa mga bagay na di kaugnay sa pagpapalago ng kaunlaran ng bansa. Ang isa sa mga halimbawa dito ay korapsiyon at Pork Barrel.



Nang dahil sa korapsiyon at Pork Barrel ay nagiging mas mahirap ang bansang Pilipinas dahil ninanakaw nila ang pera na inipon ng mga mamamayan. At dahil sa kanilang kagagawan ay maraming pera ang nasasayang na dapat sana sa karamihan ipamimigay pero na punta sa isang taong iniisip lamang ang kanyang sarili at sariling kapakanan. Marami sana ang  matutulungan sa perang ninakaw at itinago. Malaki sana ang tulong namaibigay nito sa mga  tao lalong-lalo na sa mga mahihirap sa bansa upang matustusan naman ang kanilang paghihirap sa buhay. Pero ano ang resulta sa kanilang pagnanakaw? KAHIRAPAN!





 Mayaman naman talaga ang ating bansa pero ang nagpapahirap nito ay ang mga taong nakatira dito. Kung wala sanang taong sarili lang ang iniisip ay sana mas matulin pa ang pagtakbo ng kaunlaran sa bansa. Kung lahat ng mga Pilipino ay sadyang tumulong at kumilos sa bansa ay maaring magiging maunlad na ang bansang Pilipinas. 

Mahina ang pagtakbo dahil pinapabayaan. Mahina ang pag-unlad dahil ninanakawan. Marami pang dapat gawin dahil hindi patuloy pa rin ang pagpapabaya ng mga tao sa ating bayan.